Ayon kay Budget Secretary Amenah Pangandaman, nakapaloob ang naturang pondo sa 2023 National Budget sa ilalim ng P31 bilyong Calamity Fund.
“The Marcos administration thinks that apart from rehabilitation of infrastructure, priority should also be given to the people of Marawi. This is the first time that the budget was allotted solely for victim compensation,” pahayag ni Pangandaman.
Nabatid na taong 2018 unang pinaglaanan ng pondo ng pamahalaan ang Marawi pero ito ay para sa rehabilitasyon lamang.
“Patunay ito na hindi natin nakalimutan ang mga kapatid nating Maranao. I myself am a proud Maranao, and I am personally happy of this development. The compensation will greatly rev up the rehabilitation process and recovery of the war-torn city, especially our people,” pahayag ni Pangandaman.
Gagamitin ang pondo bilang kompensasyon sa mga lawful na may-ari ng residential, cultural, commercial structures, at iba pang ari-arian na nasira sa Marawi’s Main Affected Areas na totally o partially damage.
Kasama rin ang mga may-ari ng mga private properties na na-demolish dahil sa implementasyon ng Marawi Recovery, Rehabilitation, at Reconstruction Program.