DFA at DND, magkakaroon ng EDCA forum

EDCAPangungunahan ng mga pinuno ng Department of Foreign Affairs (DFA) at Department of National Defense (DND) ang isang forum tungkol sa regional impact ng Enhanced Defense Cooperation Agreement (EDCA).

Gaganapin ang nasabing forum sa Camp Aguinaldo sa Quezon City sa darating na Martes, June 7 na dadaluhan ng mga analysts mula sa United States, Australia at Japan.

Ang mga magsasalita sa forum ay sina daring Foreign Affairs Sec. Albert del Rosario, Undersecretary for Defense Policy Pio Lorenzo Batino, Assistant Secretary for American Affairs ng DFA na si Maria Angelita Austria, Convener ng National Security and East Asian Affairs Program na si Renato de Castro.

Magbibigay rin ng kanilang insights sina Asia Maritime Transparency Initiative Director Gregory Poling, Zachary Cooper ng Center for Strategic and International Studies, Australian Strategic Policy Institute Senior Analyst Lisa Sharland, at Katsuyuku Yakushiji of Tokyo University.

Layon ng forum na talakayin ang EDCA, ang pag-unlad ng pagpapatupad nito, at kung paano ito nakaapekto sa kooperasyon ng Pilipinas sa ibang mga bansa sa rehiyon.

Dadaluhan rin ng mga kinatawan mula sa iba’t ibang ahensya ng gobyerno, mga diplomatic corps, academic, analysts at business community ang nasabing forum.

Matatandaang pinirmahan ng Pilipinas at Estados Unidos ang EDCA noong 2014 upang mas palakasin ang alyansa ng dalawang bansa.

Read more...