Pangulong Marcos, bukas na i-explore ang maritime border talks sa China ukol sa WPS
Bukas si Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. na i-explore ang maritime border talks sa China kaugnay sa usapin sa West Philippine Sea.
Pero ayon sa Pangulo, dapat na gamitin ang istratihiya na 1994 Filipino at Indonesian Maritime border.
“Well, I think it is worthwhile to explore at the very least because it is one instance that this kind of discussion, we came to a conclusion and we came to a resolution,” pahayag ng Pangulo.
Pangako ng Pangulo, dedepensahan ng kanyang administrasyon ang interes ng bansa sa West Philippine Sea.
Matatandaang nagkakaroon ng iringan ang Pilipinas at China dahil sa agawan ng teritoryo sa West Philippine Sea.
“So we should try it. Now, hopefully it works. If it doesn’t work, we will try something else, but at least we have a beginning point. That’s how I see it,” pahayag ng Pangulo.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.