Third Technical Experts Dialogue on Climate Finance ng UNFCCC, kasado na

Magsasagawa ng Third Technical Experts Dialogue on Climate Finance ang United Nations Framework Convention on Climate Change (UNFCCC).

Ayon sa UNFCC, isasagawa ang diyalog sa Manila sa Setyembre 6 hanggang 9, 2022.

Tatalakayin sa apat na araw na technical discussion ang suliranin sa climate change lalo na sa mga umuunlad na bansa.

Pag-uusapan din ang papel na ginagampanan ng public at private finance actors tungo sa epektibong delivery at mobilization ng climate finance at low carbon and climate-resilient development.

Nabatid na ang mga Co-Chairmen ng Ad Hoc Work Programme on the New Collective Quantified Goal on Climate Finance (NCQGCF) ang pangunguna saa diyalogo kung saan inaasahang nasa 200 representatives mula sa UNFCCC Parties at observer States ang dadalo.

 

Read more...