Indonesian investors masigasig na mag-negosyo sa bansa

By Chona Yu September 06, 2022 - 03:55 PM

Masigasig ang mga negosyante sa Indonesia na maglagak ng pagne-negosyo sa bansa.

Sa press conference sa Indonesia, sinabi ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na maraming nakitang oportunidad ang mga Indonesian investors para magtungo sa Pilipinas.

“Very enthusiastic naman ang mga ministers ni President Widodo, ‘yung mga prospects dito sa atin sa Pilipinas, and marami silang nakikitang mga opportunities. So we will pursue that,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Sinabi pa ng Pangulo na masyadong naging produktibo ang kanyang unang state visit nang higit pa sa kanyng inaasahan.

Sinabi pa ng Pangulo na mismong si Indonesian President Joko Widodo pa ang nagpasyal sa kanyasa isang mall na nagsisilbing one-stop-shop ng lahat ng kanilang local products na laan para sa mga micro, small, at medium-sized enterprises (MSMEs).

“And last night suddenly he invited us to see – to go to a mall. Bago nung dinner namin, pinuntahan namin ‘yung mall. ‘Yun pala, ‘yung mall na pinakita sa amin, gobyerno ang may-ari at saka ang produktong pinagbibili doon sa loob ng mall, lahat local, lahat MSMEs, lahat maliliit. Pagka masyado nang lumaki, hindi na sila pwede doon sa mall. Lilipat sila doon sa regular na mall,” pahayag ni Pangulong Marcos.

Ayon sa Pangulo, nagkasundo sila ni Widodo na tulungan ang mga negosyante para mapaganda pa ang marketing strategies at business plans.

“And nag-agree na naman kami. Sabi niya, oo, kailangan natin turuan ‘yung packaging, ‘yung market, kung ano ‘yung hinahanap sa merkado, how do you business plan, ‘yung mga ganung klaseng bagay. Pareho sa atin,” pahayag ng Pangulo.

“Ang maganda nito, Jakarta, Indonesia long-standing – 73 years na tayong mag-partner ng Indonesia. So meron talaga tayong pundasyon na maganda na we can build on for – to develop all of these,” dagdag ni Pangulong Marcos.

 

TAGS: Ferdinand Marcos Jr., indonesia, investors, Joko Widodo, news, Radyo Inquirer, Ferdinand Marcos Jr., indonesia, investors, Joko Widodo, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.