COVID-19 positivity rate sa NCR, bahagyang bumaba
By Angellic Jordan September 06, 2022 - 03:24 PM
Bahagyang bumaba ang COVID-19 positivity rate sa National Capital Region (NCR), ayon sa OCTA Research.
Sinabi ni OCTA Research fellow Dr. Guido David na mula sa 12.9 porsyento, bumaba sa 12.1 porsyento ang COVID-19 positivity rate sa nakakahawang sakit hanggang Setyembre 3.
Mababa na sa 10 porsyento ang positivity rate sa Pangasinan, Bataan, at Batangas.
Samantala, mataas naman ang positivity rate sa Albay, Camarines Sur, Nueva Ecija, at Tarlac.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.