Pangulong Marcos nasa Singapore na para sa isa pang state visit
(Courtesy: Office of the Press Secretary)
Natapos na unang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Indonesia.
Agad na nagtungo ang Pangulo sa Singapore para sa isa pang state visit.
Inaasahang lalagdaan ng dalawang bansa ang kasunduan hinggil sa counter terrorism ng Pilipinas at Singapore Armed Forces.
Target nito na mapaigting pa ang mga programa ng dalawang bansa kontra terorismo
Ilang business agreements din ang inaasahang lalagdaan sa pagitan ng Pilipinas at Singapore.
Halimbawa na ang pagpapatuloy ng mga proyektong may kaugnayan sa imprastraktura na naumpisahan ni dating pangulong Rodrigo duterte ang Build, Build, Build program.
Bukod sa imprastrakturra, kasama rin sa inaasahang malalagdaan ang business agreements higgil sa renewable energy, food and security, fertilizer importation at iba pa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.