Sugar importation fiasco hearing naputol sa sulat ni ES Vic Rodriguez

By Jan Escosio September 06, 2022 - 10:11 AM

Screengrab from Atty. Vic Rodriguez’s FB video

Naputol ang pangatlong pagdinig ng Senate Blue Ribbon Committee ukol sa sugar importation fiasco.

Hiniling ni Senador Francis Tolentino na mag-executive session ang mga senador na miyembro ng komite matapos matanggap ang sulat ni Executive Secretary Victor Rodriguez.

Sa ikalawang pagkakataon hindi napaunlakan ni Rodriguez ang imbitasyon na muling humarap sa komite.

Bago pa suspindihin ang pagdinig, nagpahayag na si Sen. Risa Hontiveros ng kanyang kagustuhan na padalhan na ng subpoena si Rodriguez.

Sa sulat ni Rodriguez, sinabi nito na inutusan siya ni Pangulong Marcos Jr., na huwag dumalo sa pagdinig at hindi ito nagustuhan ni Hontiveros.

Naging mapait din sa panlasa ng senadora ang nais ni Rodriguez na ipadala na lamang sa kanya ang ‘written questions’ ng mga senador at kanyang sasagutin ang mga ito.

TAGS: Francis Tolentino, importation, news, Radyo Inquirer, senate hearing, sugar, Vic Rodriguez, Francis Tolentino, importation, news, Radyo Inquirer, senate hearing, sugar, Vic Rodriguez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.