UPCAT pinababalik na ni Sen. Alan Peter Cayetano
Hiniling ni Senator Alan Peter Cayetano sa kanyang mga kapwa senador na talakayin na ang patuloy na hindi pagkakaroon ng University of the Philippines College Admission Test (UPCAT).
Katuwiran ni Cayetano hindi maaring hindi maibalik agad ang UPCAT dahil malaking bahagi ng inilalaan na pondo para sa state colleges and universities (SUCs) ay napupunta sa UP.
“If there is no UPCAT, there are two victims here: the child and the university. Why? Because UP gets 23.41 percent of the budget of all the SUCs. Almost one fourth of their budget goes to UP – meaning greater funds, greater power, greater responsibility. We cannot have a slackening and deferment of the UPCAT. This is so urgent,” diin ni Ceyatano sa harap ng mga kapwa senador.
Inihinto ng UP ang pagbibigay ng admission test noong 2020 dahil sa pandemya dulot ng COVID 19 at ang pagtanggap ng mga estudyante ay base na lamang sa high school grades.
Ayon pa kay Cayetano maraming katangi-tanging estudyante ang hindi maganda ang mga grado sa high school ngunit karapat-dapat na mag-aral sa UP.
“If you’ll just look at the grades, you will not get the best of the best. You are killing the dreams of children,” giit pa nito.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.