Kaso ni Mary Jane Veloso, tinalakay sa state visit ni Pangulong Marcos sa Indonesia
(COurtesy: Office of the President)
Idiniga ni Foreign Affairs Secretary Enrique Manalo kay Indonesian counterpart Retno Marsudi ang kaso ng Filipina na si Mary Jane Veloso na nasa death row.
Ayon kay Press Secretary Trixie Angeles, patuloy na naghahanap ng solusyon ang DFA para maresolba ang kaso ni Veloso.
“We can confirm because Secretary Manalo did announce that. But the talks continue. So that is the only thing that we can confirm right now,” pahayag ni Angeles.
Na-convict si Veloso sa kasong drug trafficking matapos makumpiskahan ng 2.6 kilos ng heroin sa Yogyakarta noong 2010.
Hindi naman na nagbigay ng ibang detalye si Angeles sa pag-uusap nina Manalo at Marsudi dahil sa maselan ang isyu.
“They’re very sensitive issues. As you know, it is a public matter that she has been convicted. So – but our DFA continues to look for solutions,” pahayag ni Angeles.
Bago pa man umalis para sa state visit sa Indonesia, umapela na ang mga magulang ni Veloso kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na tulungan ang kanilang anak.
Apela ng mga magulang ni Veloso, mabigyan sana ng clemency ang drug convict.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.