Sen. Grace Poe pangungunahan ang SIM Card Registration Bill hearing

By Jan Escosio September 05, 2022 - 09:30 PM

Tuloy-tuloy na ang pagsasabuhay ng Senado sa panukalang mairehistro ang lahat ng SIM card na ginagamit sa cellphones at mga katulad na gamit.

Inanunsiyo ni Sen. Grace Poe na sa darating na Huwebes, Setyembre 8, magsasagawa ng pagdinig ang pinamumunuan niyang Committee on Public Services ukol sa panukala.

Kasunod na rin ito ng mga pahayag ng ilang senador na ibinahagi na sila ay nakatatanggap din ng ‘text scams.’

Nag-privilege speech pa si Sen. Jinggoy Estrada ukol sa mga panloloko sa pamamagitan ng text messages.

Naibahagi ni Poe na maging siya ay nakatanggap ng mapanlokong text, ang isa ay mula sa nagpakilalang ambassador at ang isa naman ay galing sa nagpakilalang opisyal ng Senado.

“If we senators, who have complete staff work, wherein every transaction goes through a vetting process are affected by these, what more our ordinary countrymen? How would they able to verify the messages sent to them?” tanong ni Poe.

Magugunita na nakapasa na ang panukala sa Kongreso, ngunit na-veto ito ni dating Pangulong Duterte.

TAGS: postpaid, prepaid, SIM card, text scam, postpaid, prepaid, SIM card, text scam

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.