Sen. Lito Lapid isinusulong ang healthy diet sa mga public elementary at high schools

By Jan Escosio September 05, 2022 - 09:26 PM

May alok na solusyon sa isyu ng obesity at malnutrition sa mga batang mag-aaral si Senator Lito Lapid.

Inihain ni Lapid ang Senate Bill No. 1231 o ang Healthy Food and Beverage in Public Schools Act para magkaroon ng healthy food program sa lahat ng mga public elementary at high schools sa bansa.

Sinabi ng senador napakahalaga sa pag-aaral ang tamang nutrisyon.

“Maraming mga pag-aaral na ang nagpapakita na ang mga estudyanteng hindi nakakakuha ng sapat na nutrisyon ay nahihirapang mga-focus at matuto na kadalasan ay humahantong sa mababang mga marka o ‘di kaya naman ay may posibilidad na huminto sa pag-aaral,” ani Lapid.

Sa kanyang panukala, nais ng senador na magkaroon ng Health Food and Beverage Program, kung saan ipagbabawal ang pagbebenta, distribusyon at promosyon ng mga junk foods sa loob at labas ng eskuwelahan.

Idinagdag pa ni Lapid na tiwala siya na ang magandang simula sa masusustansiyang pagkain ay dadalhin hanggang sa pagtanda ng mga mag-aaral.

TAGS: elementary, high school, Malnutrition, Obesity, schools, elementary, high school, Malnutrition, Obesity, schools

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.