Mag-asawang miyembro ng NPA patay sa engkuwentro sa Bukidnon

ARMY 8TH ID PHOTO

Nasawi sa pakikipaglaban sa puwersa ng gobyerno ang mag-asawang sinasabing kapwa miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Impasugong, Bukidnon.

Base sa pahayag ng Army 8th Infantry Battalion nakilala ang dalawang nasawi na sina Vincent Madlos at Angie Salinas, kapwa miyembro ng National Operations Command ng NPA.

Nangyari ang engkuwentro sa Barangay Capitan Bayong noong nakaraang Sabado, Setyembre 3.

Nabatid na 15 minuto na nakipagpalitan ng mga putok ang dalawa sa mga sundalo bago sila napatay.

Nakuha sa kanila ang dalawang AK 47 assault rifles, mga bala, isang granada at mga dokumento.

Read more...