Globe Business naglunsad ng digital solutions para sa maliliit na negosyo

By Jan Escosio September 05, 2022 - 09:15 PM

GLOBE BUSINESS PHOTO

Bilang tulong sa pagbangon ng mga negosyo sa bansa, inilunsad ng Globe Business ang ‘digital solutions’ na maaring magsilbing gabay sa pag-unlad ng mga maliliit na negosyo.

Nakapaloob sa connectivity and digital solutions ang ‘flexible’ mobile at internet subscriptions sa ilalim ng GPlan portfolio, GFiber biz.

Mayroon din alok na vehicle tracker para sa ligtas na delivery ng mga produkto, gayundin ang Cloud Payroll para sa mabilis na pagproseso ng pasahod sa mga manggagawa at ChatGenie sa pamamagitan ng ibat-ibang social media platforms.

Noong nakaraang buwan, nagsagawa na ang Globe ng Innovation Summit at uulitin ito sa susunod na buwan para malinawan ang mga micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa paggamit ng bagong teknolohiya sa pagpapalago ng kanilang negosyo.

“At Globe Business, we continue to empower MSMEs with the right digital tools and knowledge to help them improve and progress towards exponential growth, help them reach breakthroughs, and push them beyond their perceived boundaries to move their businesses forward into the digital future,” ani KD Dizon, head ng MSME Group ng Globe Business.

Ipinakilala na rin ng Globe Business ang Upstart, GainUp at GuildUp at ang online talk show ‘At Your SerBiz.’

TAGS: BUsiness, Globe, MSMEs, BUsiness, Globe, MSMEs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.