Comelec ‘Green & Smart’ Main Office itatayo sa Pasay City

By Jan Escosio September 05, 2022 - 09:09 PM

COMELEC / FRITZ SALES PHOTO

Pinamunuan ni Commission on Elections (Comelec) Chairman George Erwin Garcia ang ocular inspection sa lote na pagtatayuan ng kanilang sariling gusali sa Pasay City.

Umaasa si Garcia na sa susunod na taon ay masisimulan na ang pagpapatayo ng kanilang sariling bahay sa Central Business Park 1.

Aniya may pauna nang P500 milyon na inilaan ang Department of Budget and Management (DBM) sa 2023 General Appropriations Act.

Ayon kay Garcia nangangailangan sila ng higit P9 bilyon para matapos ang bagong Comelec Main Office sa loob ng limang taon.

Nabatid na ang lote ay nabili ng Comelec noong termino ni dating Comelec Chairman Sixto Brillantes at hindi naman napaglaanan ng sapat na pondo.

Isinalarawan ni Garcia na ‘green and smart’ ang itatayong main office, gayundin ang storage / warehouse at multi-use auditorium.

Pinangangasiwaan nina Comm. Rey Bulay at Dir. Julius Hernan, ng Comelec – Administrative Services Division, ang pagpapatayo ng gusali.

TAGS: comelec, eco friendly, main office, comelec, eco friendly, main office

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.