Pilipinas, nakapagtala ng 17,145 na kaso ng COVID-19 sa nakalipas na linggo
Nakapagtala ng 17,145 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang linggo.
Sa COVID-19 case bulletin ng Department of Health (DOH) hanggang Setyembre 5, 2022, base ito sa naitalang datos simula Agosto 29 hanggang Setyembre 4, 2022.
Mas mababa ito ng 10 porsyento kumpara sa mga napaulat na kaso ng nakahahawang sakit noong Agosto 22 hanggang 28.
Nasa 2,249 naman ang daily average cases.
Samantala, may 40 na bagong severe and critical cases habang 354 naman ang pumanaw sa nakalipas na linggo.
Lumabas din sa datos na nasa 29.3 porsyento ang non-ICU bed utilization, kung saan 5,974 sa 20,387 non-ICU beds ang gamit.
23.5 porsyento naman ang ICU bed utilization, kung saan 595 sa 2,529 ICU beds ang gamit.
Nasa 767 naman ang severe and critical admissions, o 10.1 porsyento ng kabuuang COVID-19 admissions.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.