PCG, USCG nagsagawa ng search and rescue exercise sa Bataan
Nagkasa ang Philippine Coast Guard (PCG) at United States Coast Guard (USCG) ng joint search and rescue (SAR) exercise sa Mariveles, Bataan noong Setyembre 2 hanggang 3, 2022.
Kasama sa mga serye ng sea-phase demonstrations kasabay ang port visit ng USCG Cutter Midgett.
Sa two-day at-sea drills, nagkaroon ng communication exercises, maneuvering drills, photo exercises, decoding messages sa pamamagitan ng flag hoisting, flashing exercises, publication exercises, small boat operations, boarding operations, SAR exercises, at medical assistance.
Sa ikalawang araw ng pagsasanay, rumesponde ang 83-meter offshore patrol vessel ng PCG na BRP Gabriela Silang (OPV-8301) sa isang distress call mula sa cargo vessel na BRP Melchora Aquino (MRRV-9702).
Samantala, hiniling naman ng tulong sa USCGC Midgett.
Maliban dito, nai-deploy ang rigid-hulled inflatable boat (RHIB) ng BRP Gabriela Silang (OPV-8301) para sagipin ang kunwaring survivors.
Nagsagawa rin ang PCG vessels ng kanilang regular anti-piracy exercise.
Pinagtibay ng dalawang team ng Law Enforcement Afloat Detachment (LEAD) ng PCG ang evidence preservation, investigation, at case build-up para makasuhan ang mga kunwari’y pirata.
Ayon kay PCG Commandant, CG Admiral Artemio M Abu, isang “high sea” at “universal crime” ang pamimirata kung kaya’t napakahalaga aniya ng kooperasyon ng Coast Guard counterparts.
Dahil dito, nagsanay ang mga miyembro ng PCG LEAD teams, katuwang ang USCG, Bureau of International Narcotics and Law Enforcement Affairs (INL), at Japan Coast Guard (JCG) para matiyak ang maayos na execution ng visit, board, search, and seizure (VBSS) sa gitna ng anti-piracy operations.
Samantala, sinabi naman ni U.S. Ambassador to the Philippines MaryKay Loss Carlson na layon din ng misyon na makatulong para sa “connected, open, and secure Indo-Pacific”.
Ang USCGC Midgett ang ikaapat na USCG vessel na bumisita sa Pilipinas, kasunod ng USCGC Waesche noong 2012, USCGC Bertholf noong 2019, at USCGC Munro noong 2021.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.