Higit P2 rollback sa gasolina, ipatutupad bukas

By Angellic Jordan September 05, 2022 - 02:19 PM

Radyo Inquirer On-Line photo

Good news sa mga motorista.

Matapos ang malakihang price increase noong nakaraang linggo, magpapatupad naman ng price rollback sa mga produktong petrolyo sa araw ng Martes, Setyembre 6.

Batay sa anunsiyo ng Caltex, Cleanfuel, Jetti, PetroGazz, PTT Philippines, Seaoil, at Shell, may kaltas na P2.60 sa kada litro ng gasolina habang P1.55 naman sa kada litro ng diesel.

Mababawasan naman ng P1.60 ang kada litro ng kerosene ng Caltex, Seaoil, at Shell.

Mauunang ipatupad ang oil price adjustment sa Caltex at Cleanfuel bandang 12:01, Martes ng madaling-araw.

Magiging epektibo naman ang paggalaw ng presyo sa ibang oil companies bandang 6:00, Martes ng umaga.

Asahang mag-aanunsiyo rin ng oil price adjustment ang iba pang oil company.

TAGS: BUsiness, diesel, gasoline, InquirerNews, kerosene, oil, RadyoInquirerNews, rollback, BUsiness, diesel, gasoline, InquirerNews, kerosene, oil, RadyoInquirerNews, rollback

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.