Rep. Nograles, nangakong tutulong ang Kongreso na mapagbuti ang working conditions ng mga nurse

By Angellic Jordan September 05, 2022 - 02:02 PM

Photo credit: Rep. Fidel Nograles/Facebook

Nangako si Rizal 4th District Rep. Fidel Nograles na makikipagtulungan ang Kongreso sa ehekutibo upang mapagbuti ang working conditions ng mga nurse.

Kasunod ito ng pangako ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. noong ika-100 anibersaryo ng Philippine Nurses Association, Inc. na tutugunan ng kaniyang administrasyon ang iba’t ibang isyu sa pagtatrabaho ng mga nurse

“Makakaasa ang bansa na makikipagtulungan tayo sa pangulo upang mapatotoo ang matagal nang inaasam ng ating mga nurse na mapabuti ang kalagayan nila, pangunahin na ang pagpapataas ng kanilang sahod,” pahayag ng pinuno ng House Committee on Labor.

Dagdag nito, “We in the legislative will look at how we can intervene to establish a better working environment for our nurses. Ang dami nating nurse, ngunit hindi napupunan ang mga pangangailangan natin sa ating mga health institution dahil sa samu’t saring dahilan. We have to find out what we can do to avoid such impasse, and avoid crippling our healthcare system because our nurses do not wish to work here.”

Binanggit nito na kailangan ang pakikipag-ugnayan sa pribadong sektor para makahanap ng solusyon sa pagkakaiba ng sahod sa mga nurse sa mga pampubliko at pribadong ospital.

Umaabot sa P35,000 (Salary Grade 15) ang entry-level nurses sa mga pampublikong ospital, habang P12,000 naman kada buwan sa mga pribadong ospital. Mas mababa pa rito ang mga nurse na nagtatrabaho sa mga probinsya. Maliban dito, hindi rin sila nakakakuha ng kaparehong benepisyo.

Ani Nograles, napipilitan ang mga Filipino nurse na maghanap ng employment opportunities sa ibang bansa dahil dito.

“We have seen during the height of the pandemic how this can be a problem, with our nurses refusing to work here despite increased demand as their salaries are not commensurate to the service they render, especially during a public health crisis where such service can endanger their lives and that of their families,” saad nito.

Aniya pa, “The fact is, some hospitals also simply cannot afford to increase their personnel’s salary.”

Umaasa naman ang mambabatas na makakahanap ang Kongreso ng aniya’y “workable solution” para sa lahat.

TAGS: 19th Congress, Fidel Nograles, InquirerNews, Nurse, RadyoInquirerNews, 19th Congress, Fidel Nograles, InquirerNews, Nurse, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.