Umabot sa halos 1,500 indibiduwal ang apektado ng Typhoon Henry.
Base sa datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), nasa kabuuang 494 pamilya o 1,491 katao ang apektado ng malakas na bagyo mula sa 16 barangay sa Ilocos, Cagayan, Central Luzon, at Cordillera Administrative Region.
Sa nasabing bilang, 32 pamilya o 140 katao ang nanatili sa labas ng evacuation centers, habang tatlong pamilya o 13 katao ang nanatili sa evacuation centers.
Sinabi pa ng NDRRMC na pitong bahay sa CAR ang nagtamo ng pinsala.
24 kalsada ang pansamantalang hindi pinadaanan sa mga motorista ngunit passable na ngayon.
Sinabi pa ng NDRRMC na naibalik na ang kuryente sa 12 lungsod at munisipalidad.
Sa ngayon, nananatili pa rin sa isa ang bilang ng nasawi sa Ilocos bunsod ng naturang bagyo.