Sen. Bong Go, may panukala para sa pagbangon ng MSMEs
Naghain ng panukala si Senator Christopher Go para mabigyan ng tulong pinansiyal ang mga maliliit na negosyo sa bansa.
Paliwanag ni Go, sa inihain niyang Senate Bill No. 1182 o ang Government Financial Institutions United Initiatives to Distressed Enterprises for Economic Recover (GUIDE), palalakasin ang government financial institutions (GFIs) para sa pagbibigay tulong sa micro, small and medium enterprises (MSMEs).
Sasakupin ng GUIDE, dagdag pa ni Go, ang tinatawag na strategically important companies (SICs).
Tiwala si Go na kapag naisabatas ang kanyang panukala, mas magiging mabiis ang pagbangon ng mga maliliit na negosyo na pinadapa ng pandemya.
Kapag nangyari aniya ito ay ganap na rin makakarekober ang ekonomiya ng bansa.
Ito naman, dagdag pa ni Go, ay magiging daan sa pagbabalik o paglikha ng mga bagong trabaho.
Nakasaad sa panukala ang pagpapatayo ng Land Bank of the Phils., at Development Bank of the Phils., ‘special holding company’ na tutulong sa rehabilitasyon ng mga maliliit na negosyo sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.