Muling inihain ni Senator Sherwin Gatchalian ang panukalang batas na naglalayong magkaroon ng nursing home sa bawat lungsod at bayan para sa abandonadong senior citizens.
Sa kanyang Senate Bill No. 950 o ang ‘Homes for Abandoned Senior Act of 2022,’ ang nursing homes ay pangangasiwaan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa pakikipagtulungan sa lokal na pamahalaan.
Sinabi ni Gatchalian na ang local government units (LGUs) ang magpapatayo ng matutuluyan ng senior citizens.
Nagsilbing inspirasyon ng senador sa panukala ang ‘Bahay Kalingan’ at ‘Bahay Kanlungan Tahanan nila Lolo at Lola sa Valenzuela City.
Pagdidiiin ng senador, hindi dapat balewalain na may mga nakakatandang populasyon sa bansa na inabandona, pinabayaan at walang tahanan sa bansa.
Nakasaad sa panukala na sa bawat nursing home, kailangan ay komportable, may sapat na pagkain, damit at maaasikaso ang kalusugan ng senior citizen.