Sinuspendi ng lokal na pamahalaan ng Quezon City ang klase sa lungsod.
Ito ay dahil sa sama ng panahon dulot ng Bagyong Henry.
Ayon kay Quezon City Mayor Joy Belmonte, walang pasok sa lahat ng antas ng eskwelahan sa public at private schools ngayong hapon, Setyembre 3, 2022.
Base na rin aniya ito sa rekomendasyon ng Quezon City Disaster Risk Reduction and Management office.
Ipinauubaya naman ni Belmonte sa pamunuan ng private schools ang pagpapasya kung ipagpapatuloy ang online classes.
Ayon sa Pagasa, makararanas ng pag-ulan ang Quezon City sa susunod na 24 oras dahil sa Southwest Monsoon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.