Number 1 pole vaulter na si Armand Duplantis, tinalo ni EJ Obiena

By Chona Yu September 03, 2022 - 12:46 PM
Photo credit: EJ Obiena/Facebook

Tinalo ni Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena ang world number 1 na pole vaulter na si Armand Duplantis sa Diamond League na ginanap sa Brussels.

Ito ay matapos makapagtala si Obiena ng 5.91 meters dahilan para masungkit ang gintong medalya.

Nakuha lamang ni Duplantis ang silver medal matapos makatalon ng 5.81 meters.

Nasa ikatlong puwesto naman si Chris Nilsen matapos makatalon sa taas na 5.71 meters.

Base sa post ni Obiena sa kanyang social media account, sinabi nito na nakagawa siya ng “core memory”  sa unang sabak sa Diamond League.

TAGS: Brussels, EJ Obiena, news, Pole Vaulter, Radyo Inquirer, Brussels, EJ Obiena, news, Pole Vaulter, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

[forminator_form id="331315"]