Pamamahagi ng ayuda sa mga estudyante sa Batanes, kinansela ng DSWD
Kinansela ng Department of Social Welfare and Development ang pamamahagi ng ayuda sa mga indigent na estudyante sa Batanes.
Ayon kay DSWD spokesman at Assistant Secretary Rommel Lopez, ito ay dahil sa patuloy na nanalasa ang Bagyong Henry sa Batanes kung saan nasa ilalim ito ngayon ng Tropical Cyclone Wind Signal Number 2.
Sinabi pa ni Lopez na nagkasundo ang DSWD at ang local government unit na kanselahin na muna ang pamamahagi ng ayuda.
Samantala, nasa 316 na payout centers ang itinayo ngayon ng DSWD.
Nasa 113 ang payout centers sa Region 7, tatlo sa National Capital Region, ito ay nasa Swadcap, Taguig, sa Gastambede, Manila at Nayon Kabataan sa Mandaluyong City.
Target ng DSWD na mabigyan ng ayuda ang 80,000 beneficiaries sa buong bansa.
Sa ngayon, nasa 2 milyon ang aplikante sa ayuda.
Sinabi pa ni Lopez na magtatayo ng off-site payout centers ang kanilang hanay sa mga lugar na walang internet at gadgets halimbawa na sa bahagi ng Mimaropa at Calabarzon.
Paalala pa ni Lopez, tanging ang may mga text confirmation lamang na nagpa-rehistro sa online ang bibigyan ng ayuda ng DSWD.
Bawal aniya ang walk-in applicants.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.