Bagyong Henry, bumagal; Batanes nasa Signal Number 2 pa rin

By Chona Yu September 03, 2022 - 07:50 AM

 

Bumagal ang Bagyong Henry habang tinatahak ang northward direction ng sea east of Taiwan.

Ayon sa 5:00 a.m. advisory ng Pagasa,  patuloy na makararanas ng katamtamam hanggang sa malakas na pag-ulan ang Batanes at Babuyan Islands.

Namataan ang sentro ng bagyo sa 360 kilometers east ng northeast ng Itbayat, Batanes.

Taglay ng bagyo ang hangin na 150 kilometers per hour at pagbugso na 185 kilometers per hour.

Nakataas pa rin ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal Number 2 sa Batanes habang nasa Signal Number 1 ang Babuyan Islands at northeastern portion ng Mainland Cagayan, partikular na ang Santa Ana.

Inaasahang lalabas sa Philippine Area of Responsibility ang bagyo mamayang gabi o bukas ng umaga.

 

TAGS: Babuyan islands, Bagyong Henry, batanes, news, Pagasa, Radyo Inquirer, Babuyan islands, Bagyong Henry, batanes, news, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.