WATCH: Konstruksyon sa Kaliwa Dam, ipinatitigil ng iba’t ibang grupo dahil sa mga paglabag

By Jan Escosio September 02, 2022 - 04:14 PM

Nanawagan ang STOP Kaliwa Dam Network (SKDN) sa Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) na tigilan ang lahat ng mga paggawa na may kaugnayan sa Kaliwa Dam Project.

Ayon sa grupo, patuloy ang pagkabigo ng MWSS na makakuha ng lahat ng mga kinakailangang environmental at social acceptability permits.

Anila, nagsimula ang paggawa sa access road patungo naman sa Tunnel Outlet Siste at Conveyance Tunnel sa Teresa, Rizal sa kabila ng kawalan ng Certification Precondition mula sa Commission on Indigenous People.

Wala din anila itong Special Use Agreement in Protected Areas mula sa Department of Environment and Natural Resources (DENR).

Una na rin kinuwestiyon ng Commission on Audit (COA) ang pagpapalabas ng MWSS ng ‘Notice to Proceed’ sa kabila ng kabiguan na makasunod sa mga kondisyon sa Enviromental Compliance Certificate (ECC).

Naniniwala ang grupo na mas magiging matimbang ang mga masasamang epekto na idudulot ng proyekto kaysa sa mga benepisyong ipinangangalandakan ng MWSS.

Nabatid na mabagal din ang pag-usad sa korte ng kasong isinampa laban sa MWSS.

Narito ang pahayag ng grupo:

TAGS: InquirerNews, Kaliwa Dam Project, mwss, RadyoInquirerNews, STOP Kaliwa Dam Network, InquirerNews, Kaliwa Dam Project, mwss, RadyoInquirerNews, STOP Kaliwa Dam Network

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.