Freedom from Debt Coalition, nais mabusisi ang higit P12-T utang ng Pilipinas
Sa pagdududa na napapakinabangan ng mamamayang Filipino ang mga inuutang gobyerno, hiniling ng Freedom from Debt Coalition (FDC) na mabusisi ang lahat ng panloob at panglabas na utang ng pilipinas.
Sinabi ni Rovik Obanil, ng FDC, ilulunsad nila ang Citizens Debt Audit, na bubuoin ng representante ng iba’t ibang sektor ng lipunan, para mahimay ang kasalukuyang P12.79 trilyong utang ng gobyerno.
Paliwanag ni Obanil, layon nitong malaman kung talagang nabebenepisyuhan ang sambayanan ng mga pag-utang ng gobyerno at ito ang kanilang pinagdududahan.
Binanggit nito ang Kaliwa Dam project, na ang pagpapagawa ay inutang sa China, at nagbayad na ang Metropolitan Waterworks Sewerage System (MWSS) ng P46 milyon gayung patuloy na naaantala ang proyekto dahil sa mga paglabag.
“The Kaliwa Dam Project is funded by an illegitimate loan that ties us to several onerous provisions,” diin ni Obanil.
Naibahagi pa nito na sa pagtatapos ng taon, maaring lumobo pa ang pagkaka-utang ng Pilipinas sa humigit-kumulang P14 trilyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.