Si-sentro sa usapin sa counter-terrorism at data privacy ang state visit ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. sa Singapore sa Setyembre 4 hanggang 6.
Ayon sa pahayag ng Department of Foreign Affairs, magtutungo ang Pangulo sa Singapore base sa imbitasyon ni President Halimah Yacob.
Inaasahang magkakaroon ng pagpupulong si Pangulong Marcos kay Singaporean Prime Minister Lee Hsien Loong.
Magkakaroon din ng business at economic briefings ang Pangulo.
Makikipagpulong din ang Pangulo sa Filipino Community.
Magtutungo ang Pangulo sa Singapore matapos ang kanyang state visit sa Indonesia.
MOST READ
LATEST STORIES