Isa patay sa Bagyong Henry

Patay ang isa katao matapos manalasa ang Bagyong Henry.

Ayon sa ulat ng National Disaster Risk Reduction and Management Council, galing sa Cordillera Administrative Region ang nasawi.

Wala namang naiulat na nasugatan o nawawala dahil sa bagyo.

Sa ngayon, patuloy na nanalasa ang bagyo sa Batanes.

Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number 1 sa Batanes, Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana)

 

Read more...