SAF isasabak sa pagbabantay sa malls, kalsada ngayon ‘ber months’

By Jan Escosio September 02, 2022 - 08:53 AM

Screengrab from RTVM Facebook video

Inanunsiyo ni PNP Chief Rodolfo Azurin Jr., na mas maraming pulis ang makikita ng publiko sa shopping malls, kalsada at iba pang establismento ngayon ‘ber months.’

Ito aniya ay upang mapigilan ang mga insidente ng krimen.

“As always, we anticipate the crime to go up when the ber months come that is why I instructed our police not just in the National Capital Region for an increased police presence,” aniya.

Dagdag pa ng hepe ng pambansang pulisya, ipapakalat din nila ang kanilang mga Special Action Force (SAF) personnel sa mga pampublikong lugar.

Dapat din aniya naka-alerto ang kanilang puwersa sa mga ‘crime prone areas,’ bukod sa regular ang koordinasyon ng pulis sa mga opisyal ng barangay.

Ibinahagi ni Azurin na bumaba ang index crimes sa bansa simula nang maupo si Pangulong Marcos Jr. noong Hulyo.

TAGS: malls, news, PNP, Radyo Inquirer, Rodolfo Azurin, SAF, malls, news, PNP, Radyo Inquirer, Rodolfo Azurin, SAF

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.