Super Typhoon Henry, humina; Signal Number 1 nakataas sa tatlong lugar
Bahagyang humina ang Super Typhoon Henry habang tinatahan ang Philippine Sea east of Batanes.
Ayon sa Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa 395 kilometers east ng Itbayat, Batanes.
Taglay ng bagyo ang hangin ang 175 kilometers per hour at pagbugso na 215 kilometers per hour.
Nakataas ngayon ang Tropical Cyclone Wind Signal (TCWS) Number 1 sa Batanes, Babuyan Islands at northeastern portion ng mainland Cagayan (Santa Ana).
Patuloy na makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Batanes at Babuyan Islands.
Makararanas naman ng bahagya hanggang sa katamtaman na pag-ulan ang Ilocos Norte, Apayao, at Cagayan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.