#HenryPH bahagyang humina; Signal no. 1 nakataas sa Batanes, bahagi ng Babuyan Islands

By Angellic Jordan September 01, 2022 - 06:19 PM

Bahagyang humina ang Super Typhoon Henry simula nang bumagal ang pagkilos sa Philippine Sea.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 400 kilometers Silangan Hilagang-Silangan ng Itbayat, Batanes dakong 4:00, Huwebes ng hapon.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 185 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 230 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers per hour sa direksyong pa-Timog Timog-Kanluran.

Dahil dito, nakataas ang Signal no. 1 sa Batanes at northeastern portion ng Babuyan Islands.

Sinabi ng weather bureau na maaring makaranas na katamtaman hanggang sa malakas na buhos ng ulan sa Batanes. Mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan naman ang iiral sa parte ng Babuyan Islands.

Sa Huwebes ng gabi o Biyernes ng madaling-araw, maaring maging stationary ang bagyo.

TAGS: HenryPH, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, weather advisory, weather update, HenryPH, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, weather advisory, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.