Nabuking ng Bureau of Customs – Port of Cebu ang 60 malalaking pakete ng ukay-ukay na damit.
Ayon sa BOC, itinago ang mga ukay-ukay sa dulong bahagi ng container van at tinakpan ng mga gamit pang-bahay at mga personal na gamit.
Nabatid na ang mga kargamento ay para sa isang residente sa lalawigan ng Masbate.
Isinailalim sa beripikasyon ang mga kargamento matapos maging kadududa ang mga lumabas na imahe sa x-ray.
Agad naman nagpalabas ng warrant of seizure and detention si District Collector Charlito Mendoza dahil sa posibleng paglabag sa Customs Modernization and Tariff Act.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.