Walang Filipinong apektado sa pagbaha sa Pakistan – PH embassy

Reuters photo

Tiniyak ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad na walang Filipinong apektado sa pag-ulan at pagbaha sa Pakistan.

“As of today, no Filipinos are reported to be harmed or affected by the torrential rain and flooding in Pakistan. The unprecedented amount of rain in the past weeks caused the death of more than a thousand persons in the Baluchistan and Sindh provinces,” saad ni Maria Agnes Cervantes, Charge d’Affaires ng Embahada ng Pilipinas sa Islamabad.

Patuloy aniya nilang tinututukan ang lagay ng sitwasyon sa nasabing bansa.

Nakikipag-ugnayan na rin aniya ang embahada sa Filipino community sa Pakistan.

Ani Cervantes, “The Philippine Embassy in Islamabad is in touch with the Filipino leaders and the Filipino community in Pakistan. The Department continuously monitors the situation and is ready to assist Filipinos in distress.”

Base sa paunang ulat, umabot na sa $10 bilyon ang halaga ng pinsala sa pagbaha sa Pakistan.

Tinamaan ng matinding pagbaha ang Southern Sindh at southwestern Balochistan provinces.

Read more...