Bahagyang lumakas ang Super Typhoon Henry habang kumikilos sa direksyon na timog-timog-kanluran patungo sa Batanes.
Base sa 11am update ng Pagasa, namataan ang sentro ng bagyo sa distansiyang 430 kilometers silangan-hilagang silangan ng itbayat, Batanes.
Kumikilos ang bagyo sa bilis na 25 kilometro kada oras, taglay ang lakas ng hangin na 195 kilometro kada oras malapit sa gitna at bugso na 240 kilometro kada oras.
Wala pa rin itinaas ang Pagasa na tropical cyclone wind signal, bagamat makararanas ng katamtaman hanggang sa malakas na pag-ulan ang Batanes.
Pinapayuhan ang mga residente sa Batanes na maghanda at mag-ingat.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.