Ito ang ibinahagi ni Commission on Elections (Comelec) spokesman, Atty. Rex Laudiangco at aniya kinatigan ng Korte Suprema ang kanilang posisyon ukol sa karapatan sa pagboto ng mga bilanggo na makaboto.
Dagdag pa nito, kuwalipikado nang makapagparehistro ang mga bilanggo para makaboto sa susunod na eleksyon anuman ang kinaharap nilang kasong kriminal.
Ayon pa kay Laudiangco makakaboto ang mga bilanggo sa mga kulungan sa pamamagitan ng special voting centers o sila ay samahan sa polling precints kung saan sila nakarehistro.
Unang naglabas ang Korte Suprema ng temporary restraining order (TRO) na pumigil sa mga bilanggo na makaboto.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.