Tatlong magsasaka minasaker, suspek nag-suicide

By Jan Escosio August 31, 2022 - 07:39 PM

Naging madugo ang wakas ng pag-iinuman ng magkakaibigan sa Sta. Marcela, Apayao noong Lunes ng gabi.

Binaril at napatay ng 32-anyos na si Norvie Pacheco ang mga kainuman na sina Bong Ramirez, 48-anyos; Ryan Santi Soriano, 39-anyos at Edmar Aguinaldo, 30-anyos, pawang mga residente ng Barangay Sipa.

Sugatan naman ang isa pa nilang kainuman, ang 33-anyos na si Stephen Salvatiera.

Nakatakbo at nakapagtago kayat nakaligtas naman ang tatlong iba pa na kinilalang sina Benjamin dela Cruz, Frederick Manuel at Ericson Aguinaldo.

Base sa ulat ng pulisya, bandang 11:00 ng gabi habang masayang nag-iinuman ang grupo sa bahay ni Manuel nang bigla na lamang bumunot ng baril si Pacheco at binaril ng malapitan ang mga biktima.

Kasunod nito ay nagbaril sa ulo si Pacheco kayat agad siyang namatay.

Posible naman na kasuhan ng obstruction of justice ang ama ni Pacheco dahil itinakas nito ang baril matapos ang krimen.

Narekober din ng pulisya ang baril, isang Glock 17 Generation 4 pistol na binura ang serial number.

TAGS: massacre, suicide, massacre, suicide

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.