Bilang ng aktibong kaso ng COVID-19 sa bansa, higit 24,000 pa

Mayroong nadagdag na 1,558 na bagong kaso ng COVID-19 sa Pilipinas sa nakalipas na isang araw.

Sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH) hanggang Agosto 31, nasa 24,181 pa ang aktibong kaso ng nakahahawang sakit sa bansa.

Sa huling tala, nasa 3,880,229 ang kabuuang bilang ng naitalang kaso ng COVID-19 sa bansa.

Sa nasabing bilang, 3,794,234 o 97.8 porsyento ang gumaling na sa nakahahawang sakit.

61,814 naman o 1.6 porsyento ang pumanaw bunsod nito.

Patuloy naman ang paalala ng pamahalaan sa publiko na sumunod sa health protocols upang hindi mahawa ng COVID-19.

Hinihikayat pa rin ang publiko na magpabakuna o tumanggap ng booster shot para magkaroon ng dagdag-proteksyon laban sa nakahahawang sakit.

Read more...