Super Typhoon Hinnamnor pumasok na sa bansa; Tatawagin na itong #HenryPH

DOST PAGASA satellite image

Pumasok na sa Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Super Typhoon Hinnamnor.

Ayon sa PAGASA, nakapasok ang malakas na bagyo sa teritoryo ng bansa bandang 5:30, Miyerkules ng hapon (Agosto 31).

Dahil dito, tatawagin na itong “Henry”.

Maglalabas ang weather bureau ng update ukol sa naturang bagyo bandang 11:00 ng gabi.

Read more...