Ang Golden State Warriors ang nakakuha ng unang panalo sa best of seven finals ng NBA kontra sa Cleveland Cavaliers.
Sa iskor na 104-89, tinalo ng Warriors and Cavaliers sa game 1 dahilan para lumamang sila sa serye.
Taliwas sa mga ipinakitang laro ng Warriors sa nagdaang western conference finals kung saan tinalo nila ang Oklahoma City Thunder, hindi nakapagtala ng malaking iskor sina Stephen Curry at Klay Thompson.
Para sa Warriors, si Shaun Livingston ang nakapagtala ng mataas na 20 points, na sinundan ni Draymond Green na mayroong 16 points, Harrison Barnes na may 13, at si Andrew Bogut ay mayroong 10 points.
Ang MVP na si Curry ay may 11 points at si Thompson ay 9 points.
Sa 1st at 2nd quarter pa lamang ay tuloy-tuloy na ang kalamangan ng Warriors, pero nagawang makabawi at makalamang ng Cavs sa 3rd quarter.
Pero pagsapit ng 4th quarter ay lalo pang lumaki ang kalamangan ng Warrios dahilan para hindi na makabawi pa ang Cavs.