#GardoPH napanatili ang lakas ngunit hindi pa rin nakakaapekto sa bansa

By Angellic Jordan August 31, 2022 - 05:56 PM

Napanatili ang lakas ng Tropical Depression Gardo habang kumikilos sa Silangang bahagi ng extreme Northern Luzon.

Ayon sa PAGASA, huling namataan ang sentro ng bagyo sa layong 1,080 kilometers Silangan ng extreme Northern Luzon.

Taglay pa rin nito ang lakas ng hanging aabot sa 55 kilometers per hour malapit sa gitna at pagbugsong aabot sa 70 kilometers per hour.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 10 kilometers per hour sa direksyong pa-Hilaga.

Sinabi ng PAGASA na hindi pa rin direktang nakakaapekto ang bagyo sa bansa kung kaya’t walang nakataas na tropical cyclone wind signal sa anumang parte ng bansa.

Base sa track outlook ng weather bureau, patuloy na tatahakin ng bagyo ang direksyong pa-Hilaga o Hilaga Hilagang-Kanluran.

Posible ring humina ang bagyo sa Miyerkules ng gabi o Huwebes ng madaling-araw dahil malilimitahan ng Super Typhoon Hinnamnor ang sirkulasyon nito.

TAGS: GardoPH, Hinnamnor, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, Super Typhoon Hinnamnor, weather advisory, weather update, GardoPH, Hinnamnor, InquirerNews, Pagasa, RadyoInquirerNews, Super Typhoon Hinnamnor, weather advisory, weather update

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.