Paggamit ng face mask sa Cebu City, voluntary na lang
Nagpalabas ang pamahalaang-lungsod ng Cebu ng kautusan na boluntaryo na lamang ang pagsusuot ng mask, maliban na lamang sa mga pasilidad pang-kalusugan.
Sa kanyang executive order, sinabi ni Mayor Michael Rama na diskresyon na rin ng mga negosyo kung ipapatupad ang ‘no mask, no entry’ policy.
“Wearing of face mask is non-obligatory but as a measure of self-preservation,” aniya.
Sinabi pa nito na maging sa mga eskuwelahan ay ‘voluntary’ na lang din ang pagsusuot ng mask at aniya, ito ay depende na sa mga guro at magulang.
Dagdag pa ng opisyal, responsibilidad ng lahat na mapigilan ang pagkalat ng COVID-19, ngunit kailangan ding respetuhin ang kanilang karapatan na hindi magsuot ng mask.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.