DBM: Walang iregularidad sa P588-B unprogrammed fund sa P5.2-T 2023 budget
Walang iregularidad sa P588 bilyong unprogrammed fund na nakapaloob sa P5.2 trilyong national budget para sa taong 2023.
Sa pulong balitaan sa Malakanyang, dinipensahan ni Budget Secretary Amenah Pangandaman ang naturang pondo.
Paliwanag ni Pangandaman, naka-itemize ang pondo.
Halimbawa na ang P149 bilyong pondo para sa suporta sa infrastructure projects at social programs, kung saan nakapaloob ang P22 bilyon para sa pagbili ng bakuna.
Nasa P5 bilyon ang nakalaan sa Armed Forces of the Philippines (AFP) modernization.
Nasa P20.6 bilyon naman ang nakalaan para saa budgetary support to government-owned and controlled corporation (GOCC).
Nasa P380 bilyon naman ang foreign-assisted projects, kasama na ang P2.2 bilyon sa ilalim ng DSWD at P378.2 bilyon para sa Department of Transportation (DOTr).
Nasa P1 bilyon ang nalaan para sa risk management program.
May iba pa aniyang pondo ang nakalaan sa ibang programa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.