Panelo to journalists: Huwag nyo munang paniwalaan ang una niyang sinasabi

By Dona Dominguez-Cargullo June 03, 2016 - 11:26 AM

salvador paneloPinayuhan ni incoming Presidential Spokesperson Atty. Salvador Panelo ang mga mamamahayag na nagco-cover kay incoming President Rodrigo Duterte na busisiing mabuti ang kaniyang mga sinasabi at huwag magkasya lamang sa kaniyang mga one-liner.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Panelo na bagaman si Duterte ay isa ngang one-liner man, at hindi gaanong nagpapaliwanag matapos niyang mabanggit ang kaniyang one-liners, ay maliwanag naman lagi ang mensahe nito.

“He is a one-liner man, hindi masyadong nagpapaliwanag sa mga nababanggit niyang one liners. Pero kung magfofocus ka lamang sa kaniya, maliwanag na maliwanag ang mga sinasabi niya at hindi ka maaring magkamali,” ani Panelo.

Ang problema lang ayon kay Panelo, sa mga one-liner lang ni Duterte nagfo-focus ang mga mamamahayag at nakapag narinig na nila ang gusto nilang anggulo ay ito na ang gagawin nilang storya dahil alam nilang ito ang kakagatin at pag-uusapan.

Paliwanag ni Panelo kung pakikinggan lamang ng mabuti ang lahat ng sinasabi ni Duterte mula umpisa hanggang dulo, doon aniya makikita ang mas malinaw na paliwanag nito sa mga isyu.

Dahil sa mga insidente ng kontrobersiyal na pahayag ni Duterte nitong nagdaang mga araw, sinabi ni Panelo na gagawa na sila ng buong transcription ng press briefing ni Duterte at ipapamahagi nila ito sa media.

“Just listen to him intently, huwag nyo munang paniwalaan ang una niyang sinasabi. He exaggerate things to call attention, that is precisely why yung mga tao ay nagustuhan siya,” dagdag pa ni Panelo.

 

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.