Alyssa Valdez, patuloy na nagpapagaling sa sakit na dengue

Photo credit: Alyssa Valdez/Facebook

Patuloy na nagpapagaling ang volleyball star na si Alyssa Valdez sa sakit na dengue.

Sa kaniyang Facebook account, ibinahagi ni Valdez ang update sa kaniyang kondisyon matapos ma-confine sa ospital bunsod ng naturang sakit.

Dadalo pa aniya dapat siya sa isang event sa Germany at maglalaro sa Asian Volleyball Confederation (AVC), ngunit nagpositibo siya sa dengue.

“The first few days were so bad — Had a high fever, body pain, and headache. I Wasnt able to eat and drink anything. After 6 days, thankfully my fever went down, but my platelet count continued to drop dangerously to 37. I then experienced some complications like bleeding and a swollen liver,” ani Valez.

Dagdag nito, “It was at this point that my doctors decided to admit me in the hospital with some intial discussions of a blood transfusion. My first few hours in the hospital was very crucial.”

Sa kabutihang-palad, nagdesisyon ang mga doktor na huwag nang ituloy ang blood transfusion.

“Thank God everything slowly got better! I’ll also have my last few lab test soon too. I am on the road to a full recovery. Thank you for all the prayers. 🤍,” saad nito.

Nagpasalamat din si Valdez sa kaniyang pamilya.

Read more...