NBI, sinimulan na ang imbestigasyon sa pamemeke ng pirma ni PBBM
Sinimulan na ng National Bureau of Investigation (MBI) ang imbestigasyon sa pamemeke sa pirma ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.
Pahayag ito ng Palasyo ng Malakanyang matapos mabatid na peke ang pirma ng Pangulo at Presidential seal sa appointment paper ni Attorney Abraham Espejo Jr. bilang commissioner ng Bureau of Immigration.
Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, inabisuhan na siya ni Justice Secretary Crispin Remulla na gumulong na ang imbestigasyon.
Sa ngayon, naghihintay pa ang Palasyo ng abiso kung nasimulan na rin ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group ang imbestigasyon.
“As of yesterday afternoon, I was informed by Sec. Boying Remulla that the NBI has already commenced its investigation. We are waiting to hear from the CIDG,” pahayag ni Angeles.
Una rito, inatasan ng Palasyo ang NBI at CIDG na magsagawa ng imbestigasyon.
Base kasi sa pagsasaliksik ng Office of the Press Secretary, Office of the President, Office of the Executive Secretary at Presidential Management Staff, walang nilalagdaang appointment paper ang Pangulo para kay Espejo bilang BI commissioner.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.