Panukalang pag-aangkat ng 150,000 MT ng asukal, pag-aaralan pa

By Chona Yu August 31, 2022 - 01:43 PM

Pag-aaaralan muna ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. ang panukalang pag-aangkat ng 150,000 metrikong tonelada ng asukal.

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, bilang pinuno ng Department of Agriculture (DA), natural lamang na pag-aralan muna ng Pangulo ang panukala bago aprubahan.

“Parati naman po itong nire-review. Kung ano ang naangkop na amount, ‘yun ang gagawing quota ng importation,” pahayag ni Angeles.

Una rito, sinabi ng Malakanyang na walang basbas ng Pangulo ang pag-aangkat ng 300,000 metrikong tonelada ng asukal.

TAGS: asukal, BBM, BM admin, bongbong marcos, InquirerNews, RadyoInquirerNews, trixie angeles, asukal, BBM, BM admin, bongbong marcos, InquirerNews, RadyoInquirerNews, trixie angeles

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.