Pangulong Marcos, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa DICT

Photo credit: Pres. Bongbong Marcos/Facebook

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang ilang bagong opisyal sa Cybercrimes Investigation and Coordinating Center na nasa ilalim ng Department of Information and Communication Technology (DICT).

Ayon kay Press Secretary Trixie Cruz-Angeles, kabilang sa mga itinalaga ng Pangulo sina Alexander Ramos bilang bagong executive director ng CICC.

Itinalaga rin ng Pangulo sina Mary Rose Magsaysay bilang deputy executive director, habang sina Patricia Abejo, Rojun Hosillus at Alvin Navarro naman ay bilang Director IV.

Read more...