Hinihinalang salvage victim, natagpuan sa Payatas, Quezon City

Kuha ni Jan Escosio
Kuha ni Jan Escosio

Natagpuan sa Payatas, Quezon City ang isang hinihinalang biktima ng salvage kaninang umaga.

Ayon sa mga residente sa bahagi ng Legaspi Street kanto ng Payatas Road, may nadinig silang putok ng baril kaninang madaling araw.

At nang magliwanag na kanina, tumambad na sa kanila ang wala nang buhay na lalaki na may tama ng bala ng baril sa ulo.

Nakasuot ng maong na short at naka-tsinelas ang hindi pa nakikilalang lalaki.

Wala ring nakitang ID sa kaniya na maaring makapagtukoy ng kaniyang pagkakakilanlan.

Nagpapatuloy naman ang imbestigasyon ng Quezon City Police District sa nasabing insidente.

Read more...